Sana Bata Nalang Ulit Ako

December 03, 2017

Sana bata nalang ulit ako,
Yung inosente pa ako sa mata ng mundo
Na kapag nasasaktan eh yung dahil ay nadapa lang ako
O kaya kapag kinuha ng kalaro ko ang lollipop ko.

Sana bata nalang ulit ako
para naman bumalik yung puso ko sa orihinal na estado nito.
Yung malayang nakakapaglaro, masayang tumatawa, at yung lahat ng nakikita nya ay maganda.

Sana bata nalang ulit ako.
Yung hindi ko pa alam kung gano kapusok ang mundo.
Na yung tanging pag ibig lang na alam ko ay yung yakap ng Nanay ko at ng mga taong sa paligid ko.

Sana bata nalang ulit ako..
Malayang magmahal, malayang mabuhay, malayang tumawa at maglaro.

Sana bata nalang ulit ako.

Pwede bang bumalik na muna tayo?


You Might Also Like

0 comments