Gusto Ko Magsulat
May 31, 2016Gusto ko magsulat.
Matagal tagal na din simula noong huli akong nakapag sulat. Marami akong nasa isip ngayon. maraming tanong, maraming gustong sabihin, na para bang maraming maguguglong kulisap na lumilipad lipad sa paligid na kahit anong taboy mo'y bumabalik balik pa din.
Hanggang sa napagod na akong kakataboy.
Tinitingnan ko lang sila. Pero parang masakit sa mata. Masakit nga sa mata.
Hanggang sa naramdaman kong sumasakit ang puso ko. Parang habang pabalik balaik ang mga insekto, parang paulit ulit ding sinasaksak ang puso ko.
Bakit kaya ganon ano? Kung kelan ka pa nag mahal, kung kelan mo pa sinabi sa sarili mo na huli na to, seryoso na 'to. Siya na talaga. Ayoko na nang iba. Nakakapagod na.. Yun pa yung sasaktan ka ng paulit-ulit.
Oo, napatawad mo na. Pero paulit ulit pa din umaalingawngaw ang sakit ng kahapon, ang lahat ng ginawa niya. Pero hindi ka makabitiw. Maraming tanong. Maraming takot. Paano kung bitawan ko siya, at hindi na siya bumalik? Paano kung mawala siya sakin ng tuluyan? Mga tangang mga tanong.
Bakit ganoon. Kahit hindi ikaw ang may kasalanan, kahit siya ang may dahilan ng lahat ng sakit, ikaw pa din ang nag-iisip, natatakot na mawala siya, natatakot na mawala lahat. Baka dahil masyado ka nang nag effort? Baka dahil na i-set mo na talaga ang isip, puso, balunbalunan mo, na siya na. Siya na ang hihingi ng kamay mo sa altar, siya na ang magiging kasama mo gumawa ng isang masayang pamilya, akala mo siya na.
Pero paano mo malalamang takot din siya kung hindi mo ipaparamdam sa kanya ang pakiramdam na wala ka? Kung hindi mo ipaparamdam na kaya mong mawala siya.
Masakit. Mahirap. Yung parang hindi ka makahinga. Yung gusto mo nalang matulog palagi. Ayaw mo mag-isa.
Pero kailangan. Kailangan mong pahalagahan ang sarili mo. Kahit mahal na mahal mo.
(c) Pixabay
0 comments